5k trabaho sa EDSA Day TNK fair

0
17

Sa pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, magsasagawa ang labor department ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair sa Quezon City ngayong Linggo.

Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na pumunta sa Quezon City Hall sa Pebrero 25 para samantalahin ang mahigit na 5,000 trabahong lokal at sa ibang bansa na iaalok ng 15 employer at recruitment agency.

Kasabay nito ang pamamahagi ng iDOLE OFW card sa nasabing aktibidad.

Sa paunang ulat mula sa DOLE-National Capital Region, ang ilan sa 442 bakanteng posisyon na iaalok ng mga lokal na employer ay sales associate, management trainee, cashier/counter checker, accounting assistant, graphic artist, account sales executive, helper, IT programmer, sales administrative assistant, buyer, carpenter, installer, mechanical engineer, merchandising assistant, painter, at plumber.

Sa parehong aktibidad, sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na may 5,000 job orders mula sa land based at sea based sector ang iaalok ng 10 participating recruitment agencies.

Kasama sa mga bakanteng posisyon ang waitress, ground steward, nurse, midwife, medical technologist, engineer, surveyor, electrician, technician, pipefitter/plumber, carpenter, driver, factory worker, sales staff, programmer, air traffic controller, barista, laborer, at cook.

Ang mga bansang pupuntahan ay Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, Taiwan, at Malaysia.

Pinaalalahanan ni Bello ang mga aplikante na dalhin ang mga kinakailangang dokumento tulad ng resume o curriculum vitae (magdala ng sobrang kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa dating nagtrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.

Ang pagdiriwang ng 2018 EDSA People Power Revolution ay may temang: ‘EDSA 2018: Effecting Change Towards Strengthened Democracy.’

END/aldm/gmea

Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here